Inaasahan ng pamunuan ng North Luzon Expressway Corp. (NLEX) ang pagbuhos ng mga sasakyang dadaan sa toll way simula sa hapon ng Miyerkules Santo, Abril 16 hanggang hapon ng Huwebes Santo, Abril 17.
Ayon kay NLEX Traffic Management Head Robin Ignacio, inaasahang papalo hanggang sa 385,000 ang dami ng mga sasakyang dadaan sa kasagsagan ng Holy Week season.
Ito ay mas mataas mula 350,000 na average na bilang ng mga sasakyang dumadaan kada araw.
Para naman matulungang mapangasiwaan ang daloy ng mga sasakyan, ayon kay Ignacio bubuksan ang lahat ng lanes 24/7, tataasan din ang ipapakalat na traffic personnel at sususpendihin muna ang lahat ng ginagawang road repairs maliban na lamang kung emergency at kailangan nang tapusin.
Ipapatupad din ang counterflow scheme sa mga lugar na mabigat ang daloy ng trapiko na kadalasang naoobserbahan simula alas-2 ng hapon sa Miyerkules Santo o sa Abril 16.
Bubuksan din ang zipper lands sa northbound lane sa oras na magsimula ng magsibalikan ang mga motorista sa Metro Manila pagkatapos ng Holy Week break.