-- Advertisements --

DAVAO CITY – Naglabas ng work and class supension ang lokal na pamahalaan ng Panabo City, Davao del Norte ngayong araw, Enero 3, dahil sa walang tigil na pag-ulan na posibleng magdulot ng grabeng pagbaha.

Temporaryong ipina-suspinde ang lahat ng transaksyon ng gobyerno at paaralan ngayong araw.

Inilabas kahapon ni Panabo City Mayor Jose Relampagos ang nasabing utos dahil na rin sa rekomendasyon ng CDRRMO at dahil na rin kabilang ang probinsya ng Orange Warning Level ng PAGASA.

Asahan ang malakas na mga pag-ulan mula 15 hanggang 20 milimetros sa loob ng isang oras.

Pinaalalahanan ng CDRRMO ang mga residente malapit sa mga flood prone areas para sa posibleng evacuation.

Sa kabilang banda, naglabas rin ang PAGASA ng 12 Hour General Flood Advisory kahapon, alas-6 ng gabi.

Batay sa advisory, posible ang pag-apaw ng mga sapa sa Davao de Oro, Davao Oriental, Davao del Norte at Davao Occidental dahil sa malakas na pag-ulan at thunderstorms.