-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Nagkatotoo ang panaginip ng isang 73-anyos na lola matapos na maswerteng nanalo ng P50,000 pesos sa Grand Draw ng Buena Mano Salvo Year 17 Promo ng Bombo Radyo at Star FM.

Ayon kay Julieta Villas, residente ng Oyotorong Street, Kalibo, Aklan na bago pa man aniya maganap ang grand draw ay napanaginipan nito na siya ang mananalo ng regional prize sa Visayas ng tumataginting na P50,000 pesos.

Kaugnay nito, kaagad siyang nanalangin na mabunutan ang kaniyang pangalan sa pinaghalong libo-libong entries na kung saan ay hindi naman siya nabigo.

Lubos ang kaniyang pasasalamat sa Panginoon at sa Bombo Radyo Philippines gayundin sa mga sponsors na may ganitong pa-promo kung saan, malaking tulong aniya sa kanilang pamumuhay lalo na ngayon na lubog siya sa utang.

Maalalang sa ginanap na grand draw ay nasa P2.5 million pesos ang ipinamahaging premyo na bahagi rin ng P8.5 million pesos na kabuuang premyo sa Buena Mano Salvo Year 17 Promo.