Panahon na umano upang ayusin ang delubyong nilikha ni Vice President Sara Duterte sa pamumuno nito sa Department of Education (DepEd).
Ito ang sinabi ni Manila Rep. Joel Chua matapos magbitiw si VP Duterte bilang kalihim ng DepEd na hinawakan nito mula noong 2022.
Sa isang pahayag, sinabi ni Chua, chairperson ng House of Representatives committee on Metro Manila development, na nabubuhay sa kasinungalingan si VP Duterte at nagpapanggap na mayroong silang “unity” ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula pa noong Hunyo 2022.
Nanawagan si Chua na itigil na itigil ang lahat ng politically motivated bullying at brainwashing na nagaganap sa DepEd.
Nais din ng mambabatas na itigil ang pagpapatupad ng Matatag curriculum.
Hindi isinapubliko ni VP Duterte ang dahilan ng kanyang pagbibitiw noong Miyerkules.