Naniniwala si AFP Chief of Staffe General Romeo Brawner na panahon na para maging matibay ang defense industry sa bansa.
Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong araw ang Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act na layong palakasain ang defense strategies ng bansa sa pamamagitan ng sarili nitong resources at capabilities.
Ayon kay Brawner matagal na nilang hinihintay ang nasabing batas ng sa gayon magkaroon ng progreso ang AFP para maka develop ng sarili nitong capability.
Ibinahagi pa ni Brawner na matagal ng gumagawa ng sariling baril, bala, radyo para sa komunikasyon at sariling rockets na tinawag pang Bongbong rockets subalit nawala na lang ito.
Ipinunto pa ni Brawner na ang nasabing batas ay nagbigay ng pagasa sa AFP upang mapaganda ang defense industry sa bansa.
Dagdag pa ng chief of staff malaking tulong din ito para sa modernization effort ng AFP na lalong maging epektibo at mas mabilis.
Nilinaw naman ni Brawner na ang mga nasabing baril ay hindi maaring ibenta sa mga private entities dahil for military use lamang ito.
Ang mga locally made na armas ay gagamitin pang depensa sa ating bansa.
Dagdag pa ni Brawner sa ilalim ng SRDP Law hindi maglulunsad ng opensiba ang militar sa mga makukuha nilang defense articles.
” Actually, matagal na namin inaantay ito because in order for the Armed Forces of the Philippines to progress and to develop its capability, we need to have a robust defense industry. Matagal na tayong gumagawa ng sarili nating baril, sarili nating bala, sarili nating mga radyo. We even manufactured our own rockets. Ang tawag natin noon, bong-bong rockets. Pero nawala ito. So we are very happy with the passage of this law, with the signing of the law by the President this morning because we are given hope na magiging maganda yung defense industry natin and therefore we will be able to modernize our armed forces more effectively and faster. Dahil kailangan talaga natin mag-modernize kaagad,” pahayag ni AFP chief Gen. Romeo Brawner.