-- Advertisements --
KAPA JOEL APOLINARIO 2
KAPA founder Pastor Joel Apolinario

Binigyang diin ngayon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na panahon na para managot ang mga opisyal at promoters ng Kapa-Community Ministry International (KAPA) sa mga kasong may kinalaman sa investment fraud.

Ginawa ni SEC chairperson Atty. Emilio Aquino ang pahayag matapos na maglabas nang kautusan ang isang korte sa Bislig City, Surigao del Sur laban sa nagtatago pa rin na si KAPA founder Pastor Joel Apolinario, misis nitong si Reyna at lima pang opisyal ng KAPA Community Ministry International.

Ayon kay Atty. Aquino ang hakbang ng korte ay magsilbi sanang paalala sa publiko na mailayo sila sa mga panloloko lalo na sa mga investment scams.

Kasabay nito, nagbabala rin ang SEC sa mga miyembro ng KAPA at sa publiko dahil sa kumakalat na impormasyon na nagmula sa ilang mga supporters at promoters na muling pagbuhay daw sa investment program nito.

Samantala, batay naman sa Bislig City Regional Trial Court (RTC) Branch 29 nag-isyu ito ng warrant of arrest noong February 11 laban kina Apolinario, trustee Margie Danao at corporate secretary Reyna Apolinario.

Kasama rin sa pinahuhuli ay sina Marisol Diaz, Adelfa Fernandico, Moises Mopia at Reniones Catubigan.

Ang warrant of arrest ay inilabas makaraang magsampa ang mga prosecutor ng Department of Justice (DOJ) ng criminal charges laban sa KAPA dahil sa paglabag sa Republic Act No. 8799 o Securities Regulation Code.

SEC Chairman Emilio Aquino 1
SEC Chairman Emilio Aquino

“The Warrants of Arrest were issued after prosecutors at the Department of Justice (DOJ) filed criminal charges against KAPA for violations of Republic Act No. 8799, or the Securities Regulation Code (SRC). In separate Informations, the DOJ has accused KAPA of “willfully, unlawfully and criminally” engaging in the selling or offering for sale or distribution of securities in the Philippines without a registration statement duly filed with and approved by the SEC. Accordingly, the DOJ charged KAPA, along with Mr. and Mrs. Apolinario and Danao, of violating Sections 8(8.1), 26.1 and 28 of the SRC. It also indicted Diaz, Fernandico, Mopia and Catubigan for violation of Section 26.1 of the SRC for promoting the investment scam,” bahagi pa ng statement ng SEC.

Kung maalala Hunyo noong 2019, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos na ipasara ang KAPA dahil sa isyu ng katiwalian at panloloko sa mga miyembro na maihahalintulad sa isang Ponzi scheme.

Inatasan ng Pangulo ang PNP-CIDG na magsagawa ng crackdown sa mga tanggapan nito.

Maging ang NBI ay nanguna rin sa paghahabol sa iligal na operasyon ng KAPA na umano’y nagtatago sa pagiging isang religious group.

Inaakusahan ang KAPA na paghimok sa mga tao partikular ang kanilang mga miyembro na mag-invest sa kanila ng hindi bababa sa P10,000 hanggang P2 million. Kapalit umano ito ng 30 percent na monthly return habambuhay.

NBI BACANI LAVIN KAPA KABUS PRESSCON
NBI giving updates on KAPA investigation (file photo)

Nadiskubre naman ng mga otoridad na ang KAPA ay dawit nga sa Ponzi scheme na isang investment program na nag-aalok ng sobrang laking halaga ng pera, para makapagbigay sa mga investors ngunit gamit ang salaping mula rin sa mga bagong investors.

Sa kabilang dako liban sa kaso sa Bislig laban sa grupo ni Apolinario ang DOJ ay naghain din ng hiwalay na Informations sa Quezon City Regional Trial Court Branch 93 at sa Antipolo Regional Trial Court dahil sa “willfully, unlawfully and criminally” na pagbebenta ng securities na hindi aprubado ng SEC.

Ang Quezon City Regional Trial Court ay nauna na ring naglabas ng warrant of arrest kontra kina Fernandico at Mopia noong December 2, 2019.

Noon namang September 25, 2019, meron ding inilabas na resolution ang DOJ matapos na makitaan ng probable cause upang ipagharap ng kaso ang KAPA bilang pagpapatibay sa naunang naging findings ng SEC.

Screenshot 2019 06 18 15 38 54 82
SEC officials filed formal complaint before the DOJ vs KAPA founder Pastor Joel Apolinario and other officials