-- Advertisements --

Opisyal nang inanunsyo ngayong araw ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang pagsisimula ng tag-ulan.

Ang on set ng tag-ulan ay bunsod na rin ng paglakas ng southwest monsoon o hanging habagat.

Nangangahulugan ito na mas magiging madalas na ang pagbuhos ng ulan at posibleng mga pagbaha sa low lying areas.

Mas marami ring bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa mga darating na buwan.