-- Advertisements --

Opisyal nang nagsimula ang panahon ng tag-ulan sa Pilipinas ayon sa isang State weather bureau.

Ito ang idineklara ng naturang ahensya ilang araw makaraang maranasan sa bansa ang matinding buhos ng ulan partikular na sa Western section ng Luzon, at Visayas kasabay na rin ng pananalasa ng Bagyong Aghon, at hanging Habagat.

Ayon sa mga kinauukulan, asahan na sa pagsapit ng buwan ng Hulyo hanggang Agosto ay mas mararanasan pa ang above-normal rainfall conditions sa ilang bahagi ng bansa, hanggang sa pagtatapos ng taon.

Gayunpaman ay Inihayag pa rin nito na maaari pa rin na makaranas ng maaliwalas na panahon o “break” sa pag-ulan sa susunod na ilang araw o linggo.

Samantala, kaugnay nito ay patuloy pa rin na pinapaalalahanan ang publiko na gumawa ng mga precautionary measures laban sa mga posibleng maging epekto ng nararanasang tag-ulan, Habagat, at La Niña Phenomenon tulad ng baha, at pagguho ng lupa.