-- Advertisements --
rainy season Pagasa rains
“Rainy season is here” – PAGASA

Opisyal nang idineklara ngayon ng PAGASA ang pagpasok ng panahon ng tag-ulan sa Pilipinas.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Rob Gille, ang pagdaan ng bagyong Butchoy at pagbuhos ng malalakas na ulan nitong nakalipas na araw sa ilang bahagi ng ating bansa ay hudyat na ng rainy season.

Aniya, ang naturang mga pag-ulan ay bunsod din daw ng tinatawag na southwest monsoon o habagat, gayundin ang low pressure area na naging tropical depression Butchoy.

Dahil dito, nagbabala ang PAGASA na dapat na ring asahan ng publiko ang paminsan minsang mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm lalo na sa western portions ng Luzon at Visayas.

Pero agad namang nilinaw ng PAGASA na meron din namang mga moonsoon break, na ang ibig sabihin hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay uulan.

Samantala tinanggal na rin ng PAGASA ang mga umiiral na storm signals habang papalayo na ang bagyong Butchoy sa kalupaan ng Luzon.