-- Advertisements --

Umaapela ng dasal ang pamilya ni dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr, 85, para sa agarang paggaling nito sa kaniyang sakit.

Matatandaang kagabi ay naisugod si Pimentel sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City at ipinasok pa sa intensive care unit (ICU).

Ayon sa anak nitong si Sen. Koko Pimentel, tuloy-tuloy ang treatment, ngunit mahina ang pangangatawan ng kaniyang ama ngayon.

“Senator Nene Pimentel is very ill and currently under treatment. Doctors and hospital staff are doing their best to help him. We ardently ask that you join us in prayer for his full and complete recovery,” wika ni Sen. Koko.

Bago ito, nagulat ang marami nang maglabas ng mensahe si Partido Demokratiko ng Pilipinas-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) spokesman Ron Munsayac ukol pagkakadala sa ospital ng tinaguriang ama ng local government code na si Pimentel.