Binigyang-diin ng Malacañang na ang “trending” patungo sa panalo ng mga senatorial candidates na suportado ng administrasyon ay resulta ng umano’y Duterte magic.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, mayorya ng mga botante ay tumugon sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na suportahan ang mga kandidatong makakatulong sa pagpasa ng mga batas na magpapaangat sa kabuhayan ng mga mahihirap at mabigyan sila ng komportableng buhay.
Ayon kay Sec. Panelo, ibinasura ng mga botante ang negatibong propaganda ng oposisyon laban kay Pangulong Duterte at sa kanyang administrasyon gaya ng extra-judicial killings, drug war at South China Sea.
Kaya labis aniya silang nagpapasalamat sa mga botante sa malakas nilang pagpapahayag ng suporta sa administrasyon sa pamamagitan ng kanilang mga boto.
“Undoubtedly, the Duterte magic spelled the difference. The overwhelming majority of the electorate have responded to the call of the President to support those whom he said would help pass laws supportive of his goal to uplift the masses of our people and give them comfortable lives they richly deserve,” ani Sec. Panelo
“The voters rejected the negative propaganda unleashed by the opposition against PRRD and his Administration, e.g. issues of extra-judicial killings, drug war, South China Sea, among others.”