-- Advertisements --
Inialay ng Gilas Pilipinas ang kanilang panalo sa mga overseas Filipino workers sa Hong Kong na nanood sa kanilang panalo.
Tinambakan ng Gilas ang Hong Kong 94-64 sa unang windows ng FIBA Asia Cup Qualifiers nito ng Huwebes ng gabi.
Ayon kay Gilas coach Tim Cone na isang malaking advantage ang magkaroon ng malaking crowd ng mga OFW para sa kanilang panalo.
Pinasalamatan nito ang mga OFW dahil sa gumastos pa sila para makapanood ng kanilang laro at hindi naman nila binigo ang mga ito dahil sa magandang laro na kanilang ipinakita.
Dagdag pa nito na may mga adjustment pa silang mga gagawin sa mga susunod nilang laban.
Susunod na makakaharap ng Gilas ang Chinese Taipei sa Pebrero 25 na gaganapin naman sa Philsport Arena sa lungsod ng Pasig.