Naniniwala si Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez na makabubuti sa mga Filipino migrant workers at mga immigrants ang pagkakapanalo sa US presidential election ni dating Vice President Jose Biden.
Sinabi ni Amb. Romualdez, palagi silang naka-monitor sa mga developments kaugnay sa immigration at sa mga workers visa.
Ayon kay Amb. Romualdez, maraming mga senador sa Estados Unidos na Democrats na nagtutulak na medyo luwagan nila ang immigration.
Ipinagmalaki pa ni Amb. Romualdez na maganda ang imahe ng mga Pilipino sa US kaya hindi sila nahihirapan pag-apply ng work o residence visa.
Sa ngayon, nasa 350,00 Pilipino ang may pending deportation cases na nakaapela sa iba’t ibang deportation courts at may tsansang mapalawig ang kanilang pananatili sa US.
Posibleng may pagbabago rin umanong ipatutupad ang Biden administration sa kanilang immigration policy na pakikinabangan ng mga apektadong Pilipino.