-- Advertisements --
IMG 20191207 181426 137
Winning moments: New sprint queen Kristina Knott of the Philippines (photo by Bombo Jerald Ulep)

CAPAS, Tarlac – Record breaking ang panalo ng Pinay athlete na naghari sa 200 meter sprint sa nagpapatuloy na 30th SEA Games sa Capas, Tarlac.

Nagtapos sa 23.01 seconds ang Filipina American na si Kristina Knott.

Nagtala ng panibagong record sa Southeast Asian (SEA) Games ang Pinay short distance runner matapos parehong basagin ang national at meet record sa women’s 200-meter event sa qualifying heat ng track nitong araw ng Sabado lamang.

Nagtapos ang sprinter sa record na 23.07 para basagin ang napakatagal nang 23.30 record ni Supavadee Khawpeag ng Thailand noong 2001 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Binasag din niya ang long-time national record na 23.35 ni Lydia De Vega noong 1986 o eksaktong 33 taon na.

Target ngayon ni Knott na maabot ang qualifying standard na 22.80 para makapasok sa 2020 Tokyo, Japan Olympics.

kristina Knott 1
kristina knott 2