-- Advertisements --

Niyanig ng 6.3 magnitude na lindol ang magkatabing Costa Rica at Panama nitong Miyerkules ng hapon (oras sa Pilipinas).

Ayon sa US Geological Survey (USGS), natukoy ang epicenter sa may border ng dalawang lugar.

May layo itong 44 km (27 miles) kanluran ng David City, Panama.

Nasa 14.2 km (9 miles) lang ang lalim nito kaya malakas na naramdaman ng mga residente.

Wala pa namang ulat ukol sa mga nasawi o nasaktan kaugnay ng pangyayari. (Reuters)