Binigyang-diin ng International Human Rights Coalition in the Philippines (IHRCP) na hindi lamang si dating Pangulong Duterte ang panagutin sa likod ng malawakang patayan na naganap sa kaniyang kampaniya kontra iligal na droga.
Sa isang pahayag, sinabi ni IHRCP President Peter Murphy na bagaman isang wellcome development ang pagkaka-aresto ng dating pangulo, dapat din aniyang panagutin ang kasalukuyang administrasyon.
Ito ay dahil na rin sa umano’y pagpapatuloy ng mga polisiya ng nakalipas na administrasyon sa administrasyon ngayon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Giit ng grupo, isang critical step ang unang pagkaka-aresto sa dating pangulo, ngunit hindi dapat tumitigil dito ang hustisya.
Dapat ding maiharap sa korte ang iba pang responsableng sa madugong drug on war, kasama na ang mga nasa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Ang mga ito, ayon kay Murphy, ay dapat humarap sa international accountability, tulad ng nangyayari kay dating Pang. Duterte.
Marso-11 noong maaresto ang dating pangulo na agad ding dinala sa The Hague, Netherlands kinagabihan. Agad siyang humarap sa International Criminal Court (ICC) pre-trial chamber pagsapit ng March 14, dahil sa kasong crimes against humanity.