-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Kumbinsido si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Dante Jimenez na may kinalaman sa kampanya ng tanggapan kontra katiwalian ang insidente ng pamamaril sa kotse ng isa nitong opisyal kamakailan.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Jimenez na posibleng konektado sa kaso ng Dominguez carjack gang ang naturang insidente dahil na nakulong ang leader nito na si Roger Dominguez.

Nabatid na anak ng tinakot na si PACC president Boy Evangelista si Venson Evangelista na pinatay noon ng sinentensyahang suspek.

Ani Jimenez, ikinwento sa kanya ng opisyal ang tama ng mga bala na nakita ng asawa nito sa kanilang kotse sa Quezon City kamakailan.

Kaugnay nito umaasa ang pamilya Evangelista na matutukoy kung sino ang nagtangka sa buhay ng VACC president dahil nakunan daw ng CCTV ang pamamaril.