-- Advertisements --
Itinuturing ng mga otoridad sa Reading west London na isang uri ng terorismo ang naganap na pananaksak sa isang park sa Reading na ikinasawi ng tatlong katao.
Naaresto ang isang 25-anyos na suspek na sinasabing taga Libya.
Sinabi ni Detective chief Supt. Ian Hunter mula sa Thames Valley Police, na wala ng ibang mga kasamahan ang suspek.
Hinikayat din nila ang mga nagpapakalat ng mga video at larawan sa internet na huwag ng ikalat bilang pagrespeto sa mga kaanak ng mga biktima.