Itinuturing ng kapulisan sa Australia na isang terrorist act ang motibo ng suspek sa pananaksak sa obispo sa loob ng simbahan.
Bagamat naaresto na nila ang 16-anyos na binatilyo ay mayroong apat na nagtamo ng sugatan ng awatin nila ang suspek sa loob ng Assyrian Christ The Good Shepherd Church.
Bagamat patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga kapulisan ay itinuring nila ito bilang kaso ng religious extremism.
Hindi na rin binanggit ng mga otoridad ang relihiyon ng suspek.
Magugunitang habang nagmimisa si Bishop Mar Mari Emmanuel ay bigla na lamang lumusob ang suspek at pinagsasaksak ang obispo.
Nagtamo naman ng sugat ang biktima at dinala na ito sa pagamutan.
Ang obispo ay sikat at kontrobersiyal sa Sydney kung saan dahil sa pangyayari ay marami sa kaniyang followers ang nagalit kung saan nilusob nila ang kinaroroonan ng suspek.