Pormal ng idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na natapos ang El Niño phenomenom.
Ayon sa PAGASA, nakita nila na bumalik na sa normal ang tropical part ng Pacific Ocean.
Bagamat natapos ay mararanasan pa rin ang epekto nito sa ibang bahagi ng bansa.
Maari pa ring magpatuloy ang ilang epekto ng El Nino gaya ng mas mainit na temperatura at madalang na pagbuhos ng ulan.
Magkakaroon ng paglipat ng El Niño patungo sa La Niña hanggang sa buwan ng Hulyo.
Magugunitang noong Mayo 29 ng ianunsiyo ng PAGASA ang pormal ng pagsisimula ng tag-ulan sa bansa.
Inaasahan rin na magkakaroon ng 13 hanggang 16 na bagyo ang dadalaw sa bansa kung saan nauna ng nanalasa ang bagyong “Aghon” nitong Mayo 24-29 na nag-iwan ng anim katao ang patay at mahigit P1-bilyon ang pinsala sa agrikultura at imprastraktura.