-- Advertisements --
Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) chief police director Gen. Oscar Albayalde na election related ang pananambang kay dating La Union Congressman Eufranio Eriguel.
Ito’y matapos maaresto ng PNP-La Union ang suspek sa pamamaslang sa dating mambabatas.
Kinilala ni PNP chief ang suspek na si Felizardo Villanueva alyas Rambo na tumakbong barangay chairman sa Capas, Agoo, La Union.
Sinabi ni Albayalde na posibleng nagalit ang suspek dahil hindi ito ang inendorso ng dating kongresista noong panahon ng kampanya.
Binaril-patay si Eriguel habang nagtatalumpati sa isang meeting de avance.
Kabilang siya sa narco-list na pinangalanan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa iligal na droga.