-- Advertisements --
ANTIPOLO PNP

Matapos lumabas ang resulta ng otopsiya kay Francis Jay Gumikib na nagsasabing hindi namatay ang bata dahil sa sampal ng kanyang guro kungdi dahil sa sakit, tinitingnan pa rin ngayon ng Antipolo Police ang posibleng paghahain ng kaso laban sa guro ni Gumikib.

Maalalang naging kontrobersyal ang naturang guro na nagtuturo sa Peńafrancia Elementary School sa Antipolo City, dahil mismong ang mga kaklase ni Gumikib ang nagkumirma na ginawa nga niya ang pananampal.

AYon kay PLtCol Ryan Manongdo, ang hepe ng Antipolo PNP, kahit bago pa man ang lumabas na resulta ng otopsiya, akma pa ring isampa ang kasong paglabag sa Republic Act 7610 (Anti-Child Abuse Law).

Ang criminal case na ito aniya ay dahil na rin sa mismong pag-amin ng naturang guro na sinampal niya ng mahina ang nasawing bata.

Maalalang sa lumabas na resulta ng otopsiya ni Gumikib ay natukoy ang hemorrhage at pamamaga ng kanyang utak bilang resulta ng kanyang pagkamatay.