Kinatigan ni Senador Juan Miguel Zubiri ang pananatili sa Pilipinas ng mga typhoon medium range capability o midrange missile system ng Estados Unidos.
Ayon kay Zubiri, nararapat lamang muna itong manatili sa bansa habang nagpapatuloy ang pangha-harass at pambu-bully ng China sa West Philippine Sea.
Giit ng senador, hangga’t nangha-harass ang China bukas siya na suportahan ng kaalyadong bansa ang Pilipinas.
Gayunpaman, sinabi nito na hindi naman pang-atake ang nasabing midrange missle system at sa halip ay pang depensa lang at katulad ng protective na iron dome ng Israel na agad nakasasabat sa mga bomba.
Hinimok ni Zubiri ang gobyerno na mag-invest sa mga ganitong uri ng mga defense equipment.
Una nang binatikos ng China ang pananatili sa bansa ng nasabing missile system at sinabing nagdudulot ito ng tensyon at provocation.
Giit ni Zubiri, China mismo ang nang-uudyok ng gulo halos araw-araw sa West Philippine Sea.