-- Advertisements --

Nirerespeto ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pananaw ng Vera Files Organization.

Kaugnay ito sa insidente kung saan pinagbabaril ng mga tauhan ng ng Philippine Navy sa Vietnemese fishing vessel noong Sept. 22 matapos makitang naglalayag sa karagatang sakop ng Bolinao, Pangasinan, na malinaw umanong paglabag dahil nangingisda ang mga ito sa loob ng teritoryo ng bansa.

Ayon kay AFP public affairs office chief marine Col. Edgard Arevalo, nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso kaya hindi pa napapanahon para sabihing guilty ang mga sundalong umano’y sangkot sa insidente.

Hanggang hindi hinahatulan ng guilty ang mga umano’y nakapatay sa dalawang Vietnamese fishermen sa bahagi ng Bolinao, ay nananatiling inosente ang mga tauhan ng PS19.

Dahil sa insidente, sinibak sa puwesto ang commanding officer o kapitan ng BRP Miguel Malvar habang isinailalim sa restrictive custody ang ilang personnel nito.