Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na hindi magbabago ang isip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtangging muling umanib ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).
Ito ay sa kabila ng mga ibinunyag ni dating PCSO General Manager at retired Police Col. Royina Garma sa house quad committee na binibigyan ng reward umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis sa bawat napapatay na drug suspect sa ilalim ng kanyang war on drugs.
Nanawagan din ang national union of peoples’ lawyers sa pangulo na isumite sa ICC ang mga rebelasyon sa quadcom hearing, upang maisama ito sa case build-up kaugnay ng crimes against humanity.
Gayunman, sinabi ni Executive Sec. Lucas Bersamin na hindi pa rin babalik sa ICC ang pilipinas.
Ang rebelasyon ni Garma ay malaking twist gayong kilala siya na malapit sa dating Pangulo Rodrigo Duterte.