-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Umapela ngayon ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa Legazpi sa maayos na pagpapamahala ng mga basura matapos ang pagbubukas ng month-long celebration ng Magayon Festival 2019.

Sa panayan ng Bombo Radyo Legazpi kay CENRO head Boboy Cano, naobserbahan umano ang hindi magandang waste management sa kapistahan bago pa man buksan.

Wala rin aniyang nangyaring koordinasyon ang PENRO sa tanggapan upang mabigyan sana ng orientation ang mga naglagay ng stall sa Penaranda Park na sakop ng Brgy. Bano at Bagumbayan sa lungsod.

Ipinaalala ng opisyal ang mahigpit na ordinansang ipinapatupad ng lungsod na dapat na segregated muna ang mga basura bago kolektahin at ilagay sa sanitary landfill.

Paglilinaw pa ng opisyal na hindi na rin sakop ng street sweepers ang paglilinis sa loob ng mga stalls, imbes hanggang sa tabi na lamang ng kalsada ang mga ito.

Samantala, ipinapanukala pa ni Cano ang pagpapaigting ng ordinansa sa pamamagitan ng pagtataas ng penalidad na kakaharapin sakali mang malabag ito.