Dumarami ang mga nananawagang fans ng Korean group na BTS na huwag na sila ipasok sa mandatory military service ng South Korea.
Sa batas kasi ng South Korea, na ang mga kalalakihan na may edad 18-28 ay dapat pumasok sa military sa loob ng dalawang taon bilang bahagi ng depensa laban sa North Korea.
Sa pitong miyembro ng grupo ay isang miyembro nila na si Jin ang nasa edad 27 at nararapat na pumirma na sa susunod na taon para maging sundalo.
Nagbigay ng exemption ang South Korea sa ilang mga kilalang atleta gaya nina Tottenham Hotspur forward Son Heung-min, ganun din ang classical musicians na si award-winning pianist Seong-Jin Cho.
Ayon kay Noh Woong-rae, ang senior member ng ruling party na Democratic Party, na hindi lahat ay dapat magbitbit ng armas para magsilbi sa bansa.
Suhestiyon naman nito na maaari silang maging ambassadors na magpromote sa mga grupo ng islets sa pinag-aagawang isla nila ng Japan.
Dagdag pa nito dahil sa kasikatan ng grupo ay dapat hayaan munang mamamayagpag ang mga ito.