Nilinaw ng pamunuan ng Manila Electric Company o Meralco na kanilang susundin ang panawagan ng Energy Regulatory Commission na huwag gawing isahan ang taas singil sa kuryente.
Ito ay sa oras na ipatupad nito ang karagdagang singil sa presyohan nito.
Ginawa ng kumpanya ang pahayag bilang tugon sa panawagan ng ERC dahil na rin sa posibilidad na magmahal muli ang presyo ng kuryente sa bansa.
Dulot pa rin ito ng manipis na suplay nito dahil sa pagtaas ng demand na sanhi ng mainit na panahon.
Sa isang pahayag, sinabi ni Anne Claire Feliciano, Public Relations Head ng MERALCO, pananatilihin ng kanilang kompanya ang pagiging proactive.
Layon ng hakbang na ito na hindi maramdaman ng kanilang mga sineserbisyuhang konsyumer.
Una nang sinabi ng Kumpanya na sila ay patuloy na nakikipag ugnayan sa mga supplier nito pati na sa ahensya ng ERC.