-- Advertisements --

Pag-aaralan ng lokal pamahalaan ng Quezon City ang panawagan ng grupong Pasang Masda na maisama ang kanilang grupo sa pag-subsidized ng lungsod sa programang ‘free rides’ dahil nadaanan na ng libreng sakay sa Quezon City ang kanilang mga ruta.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ito ay upang mabigyan ng subsidiya ng lokal na pamahalaan ang jeepney group sa kanilang programang ‘free rides’.

Ito ay bilang tugon na rin ng alkalde sa panawagan ni Pasang Masda National President Obet Martin na maisama ang kanilang hanay sa pag-subsidized ng lokal na pamahalaan sa naturang programa.

Ayon kay Martin na kung maisali ang mga passenger jeep sa pag-subsidized sa libreng sakay ng lungsod ay hindi mababawasan ang kita ng kanilang mga miyembro na dumaraan din sa mga kalsada na ruta rin ng QC bus free ride.