Suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang panawagan ng Pang. Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) na magbalik loob na lamang sa gobyerno at magsimula ng panibagong buhay.
Sa pahayag ng inilabas ni AFP Spokesperson BGen. Edgard Arevalo maraming mga komunistang rebelde ang nagsisuko sa gobyerno at sa ngayon ay reunited na kani-kanilang mga pamilya.
“Their so-called people’s revolution is already passé as more and more Filipinos including the ones in their losing army of communists have already realized the inutility of their pretended ideology that has now turned into terrorism of the people and the exploitation of their own,” pahayag ni Arevalo.
Sa ngayon daan-daan ng mga komunistang rebelde ang namumuhay ng normal.
Kaya hinimok ngayon ng militar ang mga nasa bundok pa at patuloy na nakikipaglaban sa gobyerno na sumuko na lamang.
Kinumpirma din ni Arevalo na ilan sa mga ito ay nagpadala na ng mga surrender feelers para sumuko sa gobyerno.
“The government’s Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) is in full swing to ensure that former rebels (FRs) will have a wholistic package of benefits that they can avail of such as, but not limited to, health, education, livelihood assistance, and legal assistance,” ayon kay Arevalo.
Inihayag ng heneral na ngayon na ang tamang panahon para sumuko ang mga rebeldeng NPA sa gobyerno.