Nagpasalamat ang Department of Education (DepEd) kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong manawagan sa Kongreso para sa dagdag sahod ng manggagawa sa gobyerno, kabilang na ang public school teachers.
Sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) hiniling ni Duterte sa mga mambabatas na gawing prayoridad ngayong 18th Congress ang pagpasa ng panibagong Salary Standardization Law.
Umaasa si Education Sec. Leonor Briones na agad tutugon ang mga kongresista at senador para madagdagan pa ang kompiyansa ng mga guro sa paglilingkod sa edukasyon.
“Once approved, the new SSL will increase the compensation of government workers, including public school teachers whose work and toil shape the mind of the youth and build the foundation of a strong country.”
“The Department hopes that this gain will help to further uplift the professional and personal condition of teachers as DepEd continues to work from enhancing access to improving the quality of basic education.”
Batay sa datos ng DepEd, nasa halos P21,000 ang buwanang sahod ng isang entry-level na public school teacher na kabilang sa Salary Grade 11 ng ikaapat na tranche ng SSL.