Wala sa lugar ang naging panawagan ni dating speaker at ngayo’y Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na bawiin ang suporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para mapuwersa itong bumaba sa puwesto.
Ito ang sinabi ni Senate Committee on National Defense and Security Chairman Sen Jinggoy Estrada.
Giit ni Estrada, mahusay ang mga hakbangin ng pangulo hinggil sa tensyon sa West Philippine Sea.
Ginagawa aniya ni Pangulong Marcos ang lahat para maprotektahan ang ating teritoryo sa pinag-aagawang karagatan.
Walang nakikitang masama si Estrada kung nakikipagtulungan ang Pilipinas sa Amerika, Japan, at Australia kung saan kamakailan ay nagsagawa sila ng joint naval patrol sa ating exclusive economic zone (EEZ) at nasundan pa ito ng trilateral meeting sa pagitan ng Pilipinas, Estados Unidos at Japan.
Pinatutunayan Dito aniya ng pangulo ang kanyang determinasyon na protektahan ang teritoryo at soberanya ng bansa at Wala ni katiting ng ating teritoryo ang isusuko sa China.
Dahil sa wala aniyang nangyayari sa pakikipag-usap sa China kung saan paulit-ulit pa rin ang kanilang pambu-bully sa bansa kaya’t nakikipagpulong ang pangulo sa tatlong bansa at iba pang kaalyado.