Maituturing na isang “treasonous” o pagtataksil ang panawagan ni dating presidential spokesperson Harry Roque para sa people power para mapaalis sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ayon kay House Committee on Human Rights Chairman Manila 6th district Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr.
Ayon sa beteranong mambabatas na hindi ito tama dahil nananawagan na aniya si Roque para sa people power para mapatalsik ang kasalukuyang administrasyon.
Matatandaan, kasabay ng ikinasang rally ng KOJC members sa Liwasang Bonifacio sa Maynila kahapon, nanawagan si Roque para sa people power.
Nauna na ngang na-cite in contempt si Roque noong nakalipas na linggo at idinetine sa House of Representatives sa loob ng 24 oras matapos na magsinungaling para makaliban sa pagdalo sa nakalipas na pagdinig ng Quad committee na nagiimbestiga sa krimen may kinalaman sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), illegal drugs at extrajudicial killings sa ilalim ng nakalipas na adminstrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Isa naman si Abante sa 4 na nagsisilbing chairmen ng Quad committee.
-- Advertisements --