Muling naungkat ang panawagan para sa extradition sa Estados Unidos ang nasa most wanted list ng United States Federal Bureau of Investigation (FBI) na si Pastor Apollo Quiboloy dahil sa kinakaharap nitong sex trafficking at iba pang mga kaso.
Ito ay matapos ihayag ni Gabriela Rep. Arlene Brosas na dapat agarang i-extradite ng gobyerno ng PH sa US si Quiboloy na humaharap sa mga karumal-dumal na krimen gaya ng conspiracy may kinalaman sa sex trafficking by force, fraud, at coercion, sex trafficking of children, at bultuhang cash smuggling.
Kailangan din aniyang maimbestigahan si Quiboloy na siyang pinuno ng religious group na Kingdom of Jesus Christ kung pagmamay-ari nito ang TV network na SMNI.
Una na kasing pinabulaanan ng network na hindi pagmamay-ari ni Quiboloy ang kompaniya at blocktimer lamang umano ito.
Sa kasalukuyan, nililitis ang naturang network ng House Committee on Legislative Franchises dahil sa umano’y pag-ere ng fake news at banta sa ilang programa nito.