-- Advertisements --
Walang nakikitang inciting to sedition ang MalacaƱang sa mga pahayag ni dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno kung saan hinihikayat nito ang publiko na makibahagi sa pagkilos para ipagtanggol ang demokrasya ng bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, walang mali at kahit siya ay kaisa sa pakikipaglaban para sa demokrasya.
Ayon kay Sec. Panelo, si Pangulong Rodrigo Duterte pa nga ang naghihikayat sa publikong makibahagi sa mga rally para ipahayag ang kanilang saloobin.
Kung ang mga kritiko naman daw ng administrasyon ang tinutukoy ni Sereno sa kanyang pahayag, tiyak na welcome at mainit siyang tatanggapin bilang kaanib.