Iginiit ng Pagulong Ferdinand Marcos Jr. na walang basehan ang panawagang magbitiw na sa pwesto si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kasunod ng pag-aresto ng kaniyang anak dahil sa marijuana.
Ayon sa Pangulo, na ang dapat magbitaw sa pwesto kapag hindi nito ginagawa ang kaniyang trabaho o kung nag-misbehave ito sa kaniyang trabaho.
Sinabi din ng Pangulo na aware si Justice Secretary Remulla na kailangan nitong sundin ang proseso ng hudikatura sa paglilitis at walang sinuman sa executive ang dapat na makiaalam.
Magugunita na naaresto nito lamang Huwebes ang panganay na anak ni Remulla na si Juanito Jose Remulla III ng tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) may kaugnayan sa isang parcel na naglalaman ng P1.3 million halaga ng “kush” o high-grade marijuana na naka-consign sa pangalan ng batang Remulla at nagharang ang naturang shipment sa Ninoy Aquino International Airport.
Nauna na ring sinabi ni Justice Secretary na hindi ito makikialam sa kaso ng kaniyang anak.