Mas umugong ngayon ang panawagan sa liderato ng Kamara na magsagawa ng imbestigasyon sa alegasyon ng kaugnayan ng Makabayan Bloc sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).
Kasunod ito ng pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na sa naging engkuwentro ng militar sa pagitan ng NPA na ikinamatay ng bunsong anak ni Bayan Muna Rep. Eufemia Culliamat na si Jevilyn na patunay lamang umanong may basehan ang kanilang matagal nang sinasabi na ang Makabayan Bloc ay sumusuporta sa CPP-NPA.
Una rito, pumalag si House Speaker Lord Allan Velasco sa red tagging ng militar sa Makabayan Bloc dahil sa kawalan aniya ng sapat na ebidensya laban sa mga ito.
Kaya naman hamon ngayon ng ilang supporters ng Pangulong Duterte gaya ni Mark Lopez kay Velasco, bilang lider ng Kamara ay dapat umaksiyon si Velasco sa napatunayang pagkakasangkot sa komunistang grupo ng mga miyembro ng Makabayan bloc.
Hindi lang aniya dapat ang Senado ang siyang nagsasagawa ng imbestigasyon sa red tagging dahil miyembro nila ang mga kinukwestyong mambabatas.
Bilang lider ng Kamara ay dapat umaksyon si Velasco sa napatunayang pagkakasangkot sa komunistang grupo ng mga myembro ng Makabayan Bloc.
Hindi lang aniya dapat ang Senado ang siyang nagsasagawa ng imbestigasyon sa red tagging dahil miyembro nila ang mga kinukwestiyong mambabatas.
Naniniwala ang mga supporters ni Pangulong Duterte na may hurisdiksyon ang Kamara para mapatalsik ang mga Makabyan Bloc pero kailangan ito ng inisyatibo mula kay Velasco.