-- Advertisements --
Dumami pa ang mga nananawagan sa pag-boycott ng pelikulang Mulan.
Ito ay dahil sa Xinjiang, China kinunan ang ilang eksena.
Sa nasabing lugar kasi ay doon nangyari ang malawakang pang-aabuso sa mga Muslim.
Makikita rin sa pagtatapos ng pelikula ang pagpapasalamat nila sa walong government entities sa Xinjiang kabilang ang public security bureau sa Turpan, eastern Xinjiang.
Nauna nang naharap sa kontrobersiya ang bida ng pelikula na si Liu Yifei matapos na maglabas ng suporta sa Hong Kong police na siyang nagbuwag sa mga protesters.