-- Advertisements --

Nagpahayag ng buong suporta si Davao City Mayor Sebastian Z. Duterte sa panawagan ng Green Rise Action movement para sa isang ligtas na pagpapalaya kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte mula sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.

Una nang inaresto ang dating Pangulo para sa kasong crimes against humanity na may kaugnayan sa madugong war on drugs ng kanyang administrasyon.

Kahapon ay naging matagumpay ang paglulunsad ng naturang grupo sa lungsod.

Lumahok sa programa ang nasa 600 Duterte supporters na pinangunahan naman ni Undersecretary Joseph Encabo.

Hinimok rin ng alkalde ang mga tagasuporta ng kanyang ama na lumahok sa lingguhang protesta at muling binigyang diin na isang uri ng “kidnapping” ang ginawa sa kanyang ama.

Layon ng binuong grupo na magpakita ng suporta sa mga taga suporta ng dating pangulo na nahaharap sa kasong crimes against humanity.