-- Advertisements --

Patuloy pa ang imbestigasyon ng National Grid Corporation of the Philippines upang matukoy ang pinagmulan ng malawakang power blackout sa Panay at Guimaras.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Reagan Alcantara, lead specialist ng National Grid Corporation of the Philippines, sinabi nito na ini-isa isa pa ang posibleng factors sa nangyaring grid-wide system disturbance na nag-apekto sa Guimaras, Aklan, Antique, Capiz, at Iloilo.

May power outage rin na naireport sa iilang areas sa Negros Occidental.

11:24 nang umaga kahapon ng na-monitor ang system disturbance; pasado alas dos nang hapon nang na-i-restore ng grid ang power transmission services sa Panay, ngunit gabi na nang tuluyang na-restore ang lahat ng feeders sa Iloilo City at naibalik ang suplay ng kuryente.

Humingi rin ng paumanhin ang National Grid Corporation of the Philippines sa consumers, electric cooperatives, at distribution utilities dahil sa unscheduled power interruption.

Ang massive blackout na ito ay nangyari isang araw lamang matapos ang 12 oras na power interruption sa iilang lugar sa Iloilo City dahil rin sa scheduled maintenance activities ng naturang korporasyon.