-- Advertisements --

Roxas City – Temporaryo na ipinatigil ang mailaw na Panay Christmas Village sa bayan ng Panay, Capiz.

Ito’y matapos dumagsa ang maraming mga tao at hindi na nasunod ng mga ito ang mga ipinapatupad na mga minimum health protocols ngayong COVID-19 Pandemic.

Nabatid na nadesisyonan ito ng Local Government Unit ng naturang bayan upang hindi dumagsa ang mga tao at maiwasan narin ang posible pagkalat ng COVID-19.

Dahil dito, magkahati naman ang reaksyon ng mga tao sa naturang desisyon.

Maliban dito, may ilang mga tao rin na bumisita mula pa sa iba’t-ibang bayan ngunit laking gulat na lamang nila na walang umiilaw na mga christmas lights.

Matatandaan na binuksan ang Panay Christmas Village noong Nobyembre 18 sa kasalukuyang taon.