ILOILO CITY – Binigyan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ng provisional permit ang Panay Electric Company (PECO).
Ito ay kahit na may bago nang franchise holder upang magsuplay ng koryente sa lungsod ng Iloilo.
Sa 13 pahina na inilabas ng ERC, binigyan nila ng provisional certificate of public convenience and necessity (CPCN) ang PECO sa loob ng two-year transition period hangggang sa magpalabas ng utos na maaari nang itake over ang pagsuplay ng koryente sa Iloilo ng More Electric and Power Corp. (MORE Power) na pagmamay-ari ng bilyonaryong si Enrique Razon Jr.
Napag-alaman na ang MORE Power ay wala pang power distribution assets, kung saan patuloy pa nilang na nilalabanan sa korte ang kanilang karapatan na i-expropriate ang assets ng PECO.
Ayon naman kay ERC chair and chief executive officer Agnes Devanadera, sakaling hindi mabigyan ng provisional CPCN ang PECO, maaring magdulot ito ng blackout sa buong lungsod ng Iloilo.
Nilinaw din ng ERC na ang pagbigay nila ng provisional CPCN sa PECO ay hindi nangangahulugan na pinapalawig nila ang franchise ng kompaniya.
Napag-alaman na ang franchise ng PECO ay nag-expire na noong Enero 18 habang ang CPCN naman nito ay nagtapos na noong Mayo 25.
Kung maaalala nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11212, na nagbibigay ng 25-year distribution franchise sa MORE power bilang susunod na electric power provider sa Iloilo City.
Ikinatuwa naman ni Marcelo Cacho, administrative officer, ng PECO ang pagbigay sa kanila ng ERC ng provisional CPCN.
Samantala naman si Roel Castro chief executive officer (CEO) at presidente ng More Power, dahil sa delaying tactics na ginagawa ng PECO.
Ibinunyag ng MORE power na nagmamatigas ang PECO na ibigay ang kanilang assests dahil plano nila na mag-apply ng bagong franchise sa 18th Congress.