-- Advertisements --

ILOILO CITY – Bumisita sa lungsod ng Iloilo si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kung saan ipinaabot ni Mayor Jerry Treñas ang mga problemang ikinakaharap ng Iloilo City lalo na ang kakulangan ng COVID-19 vaccines.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Panelo, sinabi nito na tinawagan niya si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa harap mismo ng alkalde upang ipaabot na kailangan ng lungsod ng karagdagang bakuna.

Bukod sa bakuna, ipinaabot din ni Treñas ang problema sa utang ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), expansion ng Iloilo International Airport, at ang pagpapagawa ng Iloilo-Guimaras Bridge.

Ayon kay Panelo, lahat ng kalihim ng concerned agencies ay kanyang tinawagan at siniguro na tutulong ang mga ito sa lungsod ng Iloilo.