-- Advertisements --
sal panelo spokesman
Presidential spokesman Sec. Salvador Panelo

Ibinunyag ng Board of Pardons and Parole (BPP) na ini-refer umano sa kanila ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang pagbibigay ng executive clemency kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Matatandaang si Panelo ang legal counsel ni Sanchez nang madiin ito sa kasong panggagahasa at pagpatay sa estudyanteng si Eileen Sarmenta, at pagpaslang naman sa kaibigan nitong ai Allan Gomez noong 1993.

Sa kanyang pagharap sa Senado, sinabi ni BPP executive director Reynaldo Bayang, isiniwalat nito na nagpadala umano si Panelo ng liham sa kanya ukol sa naturang referral ngayong taon lamang.

“We request that your good office update us for record purposes and for whatever action this office may want to undertake consistent with law and the policy of the President for good governance,” saad ni Panelo sa kanyang sulat kay Bayang na may petsang Pebrero 26, 2019.

Inamin naman ng asawa ni Sanchez na si Elvira na lumapit daw sila sa mga prominenteng personalidad upang patunayan ang good and moral conduct ni Sanchez kaugnay sa kanyang hirit na executive clemency.

Senate hearing bilibid Bucor faeldon

Kabilang daw sa mga nilapitan ng pamilya Sanchez sina dating Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos, dating Supreme Court Justice Arturo Brion, Sen. Bong Go, at mga kasapi ng Vice Mayors League of the Philippines.

Una nang iginiit ni Panelo na wala raw itong kinalaman sa posibleng pagpapalaya kay Sanchez sa ilalim ng GCTA Law.