Ipinagtanggol ni dating chief presidential legal Atty. Salvador Panelo si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos ang naging remarks nito hinggil sa umano’y blangko sa ilang item ng General Appropriations Act .
Unang binatikos ng dating Pangulong ang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa pagpirma sa nasabing 2025 budget sa kabila ng mga umano’y irregularidad.
Ayon kay Panelo, ang naging mga pahayag ni Duterte ay legal na opinyon lamang batay sa naging pagbubunyag ni Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab na mayroong mga blangko sa GAA.
Ginawa ni Panelo ang pahayag matapos na sabihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagsisinungaling lamang ang dating Pangulo.
Nanawagan naman si Panelo sa Media na suriing mabuti ang General Appropriations Act sa kabila ng naging pagtanggi ng Malacanang sa nasabing akusasyon.