-- Advertisements --
sal panelo spokesman
Presidential spokesman Sec. Salvador Panelo

Tinangggap na ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang hamon ng ilang grupo na sumakay sa mga pampublikong transportasyon para maranasan ang matinding trapiko sa Metro Manila.

Kasunod ito sa naging pahayag ni Panelo na wala pang krisis sa transportasyon.

Dahil sa naging pahayag ng kalihim ay hinamon ito ng Kilusang Mayo Uno na sumakay sa pampasaherong jeep, bus, LRT at MRT.

Dahil dito ay kumasa si Panelo na sumakay sa mga pampublikong transportasyon sa araw ng Biyernes para patunayan daw ang kaniyang pahayag na wala pang krisis sa transportasyon sa Metro Manila.