-- Advertisements --

Mariing iginiit ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na maayos ang kalagayan ni Pangulong Rodrigo Duterte at hindi na nito kinakailangan pa ng medical bulletin.

Naging maugong ang usapin tungkol sa kalusugan ng 74-anyos na presidente matapos nitong sumemplang sa kaniyang motorsiklo.

Dahil dito ay nakaranas ng “unbearable pain” ang pangulo sa kaniyang spinal o gulugod na naging sanhi umano para kaagad umuwi ng Pilipinas kasunod ng pag-attend nito sa enthonement ni Japanese Emperor Naruhito.

“A medical bulletin comes into play only when the President is in serious illness. That is a constitutional requirement,” saad ni Panelo sa isang press briefing.


Tinutukoy nito ang Section 12, Artcle VII ng Constitution kung saan nakasaad ang mga katagang “members of the Cabinet in charge of national security and foreign relations and the chief of staff of the Armed Forces of the Philippines, shall not be denied access to the President during such illness.”

Dagdag pa ni Panelo, noon pa man ay tapat na ang presidente sa kaniyang nararamdaman.

Noong 2016 presidential campaign, inamin ni Duterte na mayroon siyang slipped disc na galing din sa motorcycle accident. Mayroon din umano siyang Barrett’s esophagus, komplikasyon sa gastroesophageal reflux disease at iba pa.