Sa laganap na kaso ng pang aabuso at pananamantala sa isang bata, kadalasan umanong gumagawa nito ay mga kamag anak o kaya naman ay mismong magulang ng bata.
Base sa pag aaral ng International Justice Mission Manila, kung sino pa ang dapat na may responsibilidad na pangalagaan ang karapatan ng isang bata ay siya pang gumagawa ng hindi maganda dito.
Sa katunayan raw, maituturing na hotspot ng pang aabuso ang Pilipinas dahil dito sa bansa ay talagang laganap ang ganitong mga insidente.
Nagdudulot raw ito ay trauma sa mga bata na nagiging sanhi ng kanilang response kinalaunan.
Kung minsan ang batang inabuso ay siya ring nang aabuso pag laki o dili kaya ay mayroong masamang epekto sa mental health nito.
Sa makabagong panahon, kadalasan nangyayari itong mga pang abuso sa online platforms.
Dagdag pa ni Atty. Bicol, maraming mga iba’t ibang paraan ang perpetrators.
Kung maaalala upang masugpo itong kaso ng pang aabuso dito sa Pilipinas, nilagdaan ang implementing rules and regulation ng Republic Act 11930 kung saan mag paiigtingin pa nito ang proteksyon para sa mga kabataan lalong lalo na pang aabuso sa online platforms.