-- Advertisements --
Nagbabala ang Bise Presidente ng United States na si Kamala Harris na ang isang armed attack sa Pilipinas sa pinag-aagawang karagatan ng West Philippines Sea ay mag-uudyok ng joint response mula sa Amerika.
Ito ang inihayag ni Harris sa kaniyang pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Napag-alaman na ito rin ang inihayag ni US Secretary of State Antony Blinken noong July 2022.
Ang ginawang pagbisita ng bise presidente ay nagpakita ng kabutihan ng relasyon sa Asian country matapos ang deterioration sa panahon ng Beijing-friendly sa Duterte administration.
Noong 2016, tinawag din ni Duterte si Barack Obama na “anak ng kalapating mababa ang lipad”, bilang tugon sa mga babala ng dating Pangulo ng US sa war on drugs ni Duterte.