VIGAN CITY – Pahihintulutan na umano ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng pulang sibuyas mula sa ibang bansa, base na rin sa rekomendasyon ng Bureau of Plant Industry.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na ang nasabing hakbang ay solusyon umano sa kulang na suplay ng nasabing klase ng sibuyas sa loob ng dalawang buwan bago ang anihan ng mga magsasaka.
Aabot umano sa 17,000 metric tons ang kailangan ng bansa para maging sapat ang suplay ng pulang sibuyas na hindi pa kayang suplayan ng mga local farmers dahil hindi pa sila nakaka-ani kaya mag-aangkat muna ang pamahalaan sa ibang bansa.
Samantala, tiniyak naman ni Dar na sapat ang suplay ng puting sibuyas sa bansa para sa demand ng mga consumers.